Paano Natin Dapat Tanggapin Ang Ating Pagkakaiba Sa Bawat Isa?, Paano Mo Mapapahalagahan Ang Bawt Isa, Katutubo Man O Dayuhan?, U"Sa Iyong Palagay, Pa

Paano natin dapat tanggapin ang ating pagkakaiba sa bawat isa?

Paano mo mapapahalagahan ang bawt isa, katutubo man o dayuhan?

Sa iyong palagay, paano napagtitibay ng mga katutubo at dayuhang pakikipag-ugnayan sa isat isa ?

Ang PAGTANGGAP SA ATING MGA PAGKAKAIBA ay isang mahalagang aspekto sa ating buhay. Kung wala tayo nito, mahihirapan tayong harapin o pakisamahan ang ibat-ibang uri ng tao. Isa pa ito din ang nais ng Diyos na gawin natin- ang MAKIBAGAY. Sinasabi ng Bibliya.

1 CORINTO 9:22- "Sa mahihina, ako ay naging mahina, para maakay ko ang mahihina. Ako ay naging lahat ng bagay sa lahat ng uri ng tao para mailigtas ko ang ilan sa anumang paraan."

Maliwanag, gusto ng Diyos na makisama tayo sa iba pero para matulungan sila na mailagay sa tamang gawain.

PAANO NATIN DAPAT TANGGAPIN ANG ATING PAGKAKAIBA SA BAWAT ISA?

- Para magawa ito, kailangan nating maging malapit muna sa Diyos, para makagawa ng mga tamang paraan ng pakikisama sa tao. Kapag meron tayong ganitong uri ng batayan mas mabilis para sa atin ang magpakita ng pagtanggap.

PAANO MO MAPAPAHALAGAHAN ANG BAWAT ISA, KATUTUBO MAN O DAYUHAN?

- Maaari mong tingnan ang mga magagandang katangian ng bawat katutubo ang kanilang kultura, paguugali, pagkilos. Sa paggawa nito, mapahahalagahan mo ang kanilang mabubuting bagay na nagagawa. Huwag magpokus sa mga mali.

SA IYONG PALAGAY, PAANO NAPAGTITIBAY NG MGA KATUTUBO AT DAYUHAN ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA ISAT ISA ?

- Para magawa ito kailangan ng lubos na pakikiisa ng bawat indibidwal. Kung ang bawat dayuhan at katutubo ay parehong nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos at sa pakikibagay sa kapwa, walang magiging puwang ang inggitan at awayan. Kung parehas silang nagpapakita ng pag-ibig sa isat -isa at naguunahan pa sa paggawa nito, maiiwasan ang maliliit at malalaking problema pagdating sa diskriminasyon.

Kaya ang pakikibagay sa iba ay nakadepende ng malaki sa pag-ibig ng isa sa Diyos at sa kapwa.


Comments

Popular posts from this blog

Paano Ka Makikisabay Sa Pandaigdigang Pagbabago?

What Should Be Done With Bullies

Ano Ang Ginampanan Ng Kura Sa Noli