Paano Mapatatatag Ang Pagmamahalan Sa Pamilya Sa Banta Ng Migrasyon Sa Pamilyang Pilipino

Paano mapatatatag ang pagmamahalan sa pamilya sa banta ng migrasyon sa pamilyang pilipino

Para mapatatag parin ang PAMILYA kahit na may banta ng MIGRASYON sa pamilyang pilipino ay ang patatagin din ang kanilang tunay pag-ibig at mabuting komunikasyon. Bakit? Dahil kung hindi iiral ang tunay na pag-ibig bilang isang pamilya, talagang makakasira ito ng pagkakaisa at dahil dito pwedeng manlamig ang pakikitungo nila sa isat-isa na dapat ay hindi mangyari bilang isang pamilya.

Pero paano nga ba natin mapapanatili ang tunay na pag-ibig na iyon? Syempre, kailangan ng mabuting komunikasyon. Oo, dapat laging naguusap. Ano ang mga pwedeng pag-usapan bilang isang pamilya? Syempre kung ang isang myembro ng pamilya ay may balak magmigrate, kailangan nilang pag-isipang mabuti kung paano nila haharapin ang mga hamon o problema na babangon? Paano kong malungkot sila, saan sila maguusap, anong araw, anong schedule, gaano ladalas at ano ang gagamitin?

Lahat ng ito ay kailangang pag-usapan bago pa ang pagalis ng isang myembro ng pamilya upang makapaghanda sila kung paano magsasaayos ng mga komunikasyon. Sa ganitong paraan, malaki ang tyansa na maging buo parin ang isang pamilya kahit nasa malayo ang ilang myembro nila.

Kaya naman, isang katalinuhan na ngayon pa lang patibayin niyo na ang tunay na pag-ibig sa loob ng pamilya upang makabuo kayo ng isang masayang memorya sa isip na magdadala sa inyo sa isang mabuting komunikasyon ng walang pagtatalo at sumbatan.


Comments

Popular posts from this blog

Paano Ka Makikisabay Sa Pandaigdigang Pagbabago?

What Should Be Done With Bullies

Ano Ang Ginampanan Ng Kura Sa Noli