Bilang Mag Aaral Ano Ang Dapat Gawin Para Sa Bansa?
Bilang mag aaral ano ang dapat gawin para sa bansa?
Kahit MAG-AARAL ka pa lang, maituturing ka na ring mamamayan ng isang bansa. Kaya anuman ang gawain at ikinikilos mo ito ay may malaking ambag at epekto sa iyong kapaligiran at sa ibang tao. Kaya ano ang mga paraan para may magawa kang mabuti sa bansa?
HUWAG MAGKALAT- Kahit sino sa atin ay gustong maging malinis ang ating kapaligiran. Hanggat maaari ayaw natin ng mabaho at marumi, hindi ba? Kaya makipagkaisa ka sa paglilinis at huwag pagtatapon ng basura kung saan-saan. Mapangangalagaan mo pa ang kalusugan ng iba dahil malinis ka at maayos sa iyong sarili at sa kapaligiran.
MAGING MABAIT- Kapag mabait ka at sinisikap mung ipakita ang kabaitang iyon sa iba, mahahawaan mo silang maging mabait din sa iba. Dahil doon, nababawasan ang pagtatalo, inggitan, sakitan at iba pang masasamang bagay. Magdudulot din ito ng mapayapang lipunan at mahinahong mga tao.
MAGING MABUTING ANAK- Kapag mabuti kang makitungo sa iyong mga magulang, hindi ka rin gagawa ng bagay na magpapasakit sa kanila, gaya ng pagnanakaw, pagkikipagaway, pagdudruga at iba pang magpapahamak sa iyo. Solusyon ito para hindi ka maging sakit sa ulo ng bansa.
Anuman ang ating katayuan, mag-aaral man tayo, trabahador, kolehiyo at iba pa, lahat tayo ay dapat na maging responsable sa paggamit ng ating kakayahan sa tamang maparaan upang mapabuti ang bansa.
Comments
Post a Comment