Ano Ang Ginampanan Ng Kura Sa Noli
Ano ang ginampanan ng kura sa noli
Noli Me Tangere
Kura
Papel na Ginagampanan:
Ang pangunahing tungkulin ng kura ay ang maging pinuno ng simbahan. Bilang pinuno ng simbahan, siya ang naatasan na magbigay ng ispiritwal na kagalingan sa mga tao sa pamamagitan ng pangungumpisal mula sa mga kasalanang nagawa ng mga ito. Sila rin ang patuloy na nagbibigay ng mga mensahe ng Diyos at aral na dapat na matutunan ng mga tao mula sa kanilang mga sermon. Ang kura din ang nagsasagawa ng indulhensya na pinaniniwalaan na kaligtasan ng mga taong namayapa na. Ang kanilang mga dasal ay pinaniniwalang makapangyarihan.
Ang mga kura ay kapantay ng alperes sa kapangyarihan. Anuman ang sabihin ng kura ay ipinalalagay na tama at makabuluhan. Ganun pa man, kinakailangan na sila ay magpakita ng mabuting halimbawa sa lahat ng tao sa paligid nila. Sila higit kanino man ang dapat magsilbing huwaran hindi lamang ng pagiging makadiyos kundi ng kabutihang asal. Nginit sa nobelang Noli Me Tangere, ang papel ginampanan ng kura ay ay tagapag parusa sa mga nagkakasala at kahati ng mga mamamayan sa atensyon. Sila ang mga nasusunod sa lahat ng gawain na may kinalaman sa simbahan. Kaya naman madali nilang utusan ang mga sibil na hulihin ang sinuman na sumasalungat sa kanilang mga kagustuhan.
Read more on
Comments
Post a Comment