Paano Ka Makikisabay Sa Pandaigdigang Pagbabago?
Paano ka makikisabay sa pandaigdigang pagbabago?
Ang pagbabago ay laging nagaganap kahit pa kasisimula mo pa lamang na sabayan ang alam mong matagal mo na dapat na ginawa kasi iyon na ang in. May kakilala ako, hindi pa siya nakakasubok sa facebook platform, kaya tuwang-tuwa sya sa unang araw niya na mayroon na siyang account. Pero sa araw ding iyon naririnig na niya ang tweeter at instagram. Napatahimik siya at parang nawalan na siya ng gana. At talagang hindi pa siya nakakapagbukas ng instagram o tweeter account.
Talaga ba, may ganoong tao? Na bago pa lamang sa facebook? Sabi niya sa sarili niya, tamad ako diyan. Pero ang totoo, takot siya sa technology. Kaya paano nga ba dapat sabayan ang pagbabago? Naroroon na lahat ang tao. Magtitinda ka ba sa lugar na walang dumadaan? Tiyak naroon ka sa maraming pumupunta? Lahat ng negosyo at mga transaksyon ay naroon sa na mga pagbabago at laging may pagbabago. Laging may mga options at mas mahusay pa na specs.
Nakakalito na nga! At parang kahit na nabili mo na iyong inaakala mong pinaka-latest, bakit pakiramdam mo may kulang pa? Hindi ba iyan mismo ang problema sa pagbabago? Lagi ding nagbabago. Hindi na natatapos. Mayroon bang mga bagay na puwede kang makasabay?
Oo ang sagot diyan. Dahil kung alam mo ang mga pamantayan mo sa iyong buhay, mananatili ka doon. Mauunawaan mo ano lamang sa mga ino-offer sa iyo ang kailangan mong tanggapin, subukan . At baka halos lahat ng iba pa ay piliin mo na lamang na dumaan sa iyo. Dahil bukas hindi na iyon ang latest.
Comments
Post a Comment